TINGNAN: Tuloy-tuloy ngayong araw ng Sabado, November 6, ang COVID-19 mass vaccination sa Maynila para sa general population ng ating mga minors ages 12-17 years old.

Magkakasabay na isinasagawa ang bakunahan sa anim na district hospitals at apat na mall sites.

Para sa lahat ng magpapabakuna, ipakita lamang ang inyong Birth certificate/Baptismal/School ID/PWD ID/ or any valid ID. Para sa may mga may comorbidity, magdala ng medical certificate na pirmado ng inyong doktor.

Mayroon rin pong consent at assent form na kailangan pirmahan na siya naman ipinamimigay sa ating mga vaccination sites.

Paalala lang po sa mga companion ng ating mga minors: Only 1 companion per vaccine recipient lang po ang papayagan. Magdala lamang po ng valid ID na nagpapakita ng relasyon sa bata. Dapat po ay immediate relative kayo ng babakunahan.