TINGNAN: Tuloy-tuloy ngayong araw, ika-22 ng Enero ang COVID-19 mass vaccination sa Maynila para sa mga indibidwal na kabilang sa A1, A2, A3, A4, at A5 priority groups, at ng general population ng minors.

Magkakasabay na isinasagawa ang bakunahan sa Lucky Chinatown Mall, Robinsons Place Manila, SM Manila, at SM San Lazaro.

Para sa lahat ng magpapabakuna, ipakita lamang ang inyong naka print na waiver form o QR code para sa verification.

Dalhin din ang inyong ID at huwag kalimutan ang pagsunod sa health protocols pagdating sa lugar ng bakunahan.