TINGNAN: Tuloy-tuloy ang bakunahan ng first at second dose para sa general population ng minors ngayon Linggo, November 28.

Ang malawakang pagbabakuna ay ginagawa sa apat na mall sites, Lucky Chinatown, Robinsons Place Manila, SM Manila, at SM San Lazaro.

Para sa mga minors, paalala lang na ipakita lamang ang inyong Birth certificate/Baptismal/School ID/PWD ID/ or any valid ID. Para sa may mga may comorbidity, magdala ng medical certificate na pirmado ng inyong doktor.

Mayroon rin consent at assent form na kailangan pirmahan na siya naman ipinamimigay sa ating mga vaccination sites.

Paalala lang rin sa mga companion ng ating mga minors: Only 1 companion per vaccine recipient lang po ang papayagan. Magdala lamang po ng valid ID na nagpapakita ng relasyon sa bata. Dapat po ay immediate relative kayo ng babakunahan.