TINGNAN: Pre-Disaster Risk Assessment for Tropical Depression GardoPH and Hanging Habagat.

Nagsagawa ang MDRRMO ng PDRA bilang paghahanda sa possibleng epekto ng Bagyong Gardo at pinaiigting nitong hanging habagat. Ito ay pinangunahan ng ating butihing punong lungsod Maria Sheilah “Honey” H. Lacuna Pangan. Kasama sa nabanggit na pagpupulong ang mga department heads mula sa DPS, MTPB, MPD, MDSW, at iba pang mga departamento na siyang nangunguna sa paghahanda para sa bagyo

Ayon sa mga paunang datos na ating nakalap na siya ring nireport ng ating Meteorologist at Officer-in-Charge ng Research and Planning Division Mr. Christian Evangelista, ay walang inaasahang epekto ang nasabing bagyo sa lungsod bagamat pinaghahanda ang MDRRM Council sa mga biglaang malakas na mga pag-ulan.

Nabanggit naman ng ating butihing direktor Arnel Angeles, na handa ang ating mga kagamitang pangligtas at mga sasakyan na siya namang ginagamit upang magsagawa ng agarang libreng sakay bilang paghahanda kung sakaling umulan. Minabuti din natin na itaas ang BLUE ALERT STATUS sa aming ahensya bilang paghahanda sa kung ano mang kaganapan na maging dulot ng bagyo at habagat.

Manatili lang po tayong naka-antabay sa aming mga weather advisory nang sa gayon ay makapag handa rin kayo sa inyong mga pamayanan kung sakaling mag-iba ang ruta ni Dante at magdala ng malakas na ulan o hangin dito sa Kamaynilaan.

(Ulat mula sa MDRMMO)