TINGNAN: Pingangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang pagbubukas ng dialysis center ng Sta. Ana Hospital, araw ng Huwebes, ika-5 ng Agosto.

Ayon sa Alkalde, layunin ng lokal na pamahalaan na mapaunlad ang mga medikal na pasilidad nito upang matugunan ang iba pang mga sakit habang tuloy-tuloy rin ang paglaban nito sa banta ng COVID-19.

Ang bagong dialysis center ay mayroong 11 seats at anim na hemodialysis machines, isang ECG machine, suction machine, HEPA filter, E-Cart with medications, digital wheelchair weighing scale, at mga bagong computer.

Kaya rin nitong kumalinga sa 26 na pasyente kada buwan na sumasailalim sa dialysis nang tatlong beses sa isang linggo.

Ito ang ikatlong dialysis center na itinayo ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila. Matatagpuan ang ibang dialysis center sa Ospital ng Maynila at Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center.

(Photos by Christian Turingan / MPIO)