
TINGNAN: Pinangunahan ni Punong Alkalde Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso kahapon, ika-7 ng Agosto ang ‘drawing of applicants’ para sa pabahay ng Pamahalaang Lungsod sa Tondominium 1 at 2.
Umabot sa 80 na aplikante ang nabunot at magkakaroon ng tig-iisang yunit sa Tondominimum na may lawak na 44 square meters at may dalawang kwarto, dining area, at banyo.
Ayon sa Alkalde, layunin ng ‘in-city vertical housing projects’ ng lokal na pamahalaan na mapataas ang kalidad ng pamumuhay ng mga Manilenyo sa pamamagitan ng paghahandog ng disente at abot-kayang pabahay.
Magpapatuloy naman ang ‘drawing of applicants’ sa susunod pang mga araw habang patuloy na tatanggap ng aplikasyon sa pabahay ang Pamahalaang Lungsod.
(Photos by Christian Turingan / MPIO)