TINGNAN: Nagtungo ang mga tauhan ng DEPW sa iba’t ibang lugar sa Manila upang magsagawa ng asphalting operations.

Kabilang sa mga lugar na inasplato ay ang kahabaan ng Diamante St. sa San Andres Bukid, ang kalsada ng Cecilia Muñoz St. na napapag gitnaan ng Bonifacio Shrine at UDM sa Ermita, at ang kalsada na Bacood na sakop ng Barangay 623 Zone 62 sa Sta. Mesa, Manila.

Malaking tulong ito para sa mga motorista at pedestriyan na dumadaan sa mga naturang lugar upang makaiwas disgrasya mula sa lubak na daan.