TINGNAN: Nagpapatuloy ngayong Lunes, November 15, ang mass vaccination para sa general population ng minors ages 12-17 sa anim na district hospitals.

Kasalukuyang ginagawa ang mass vaccination sa Gat Andres Andres Bonifacio Medical Center, Ospital ng Tondo, Justice Jose Abad Santos General Hospital, Ospital ng Sampaloc, Ospital ng Maynila Medical Center, at Sta. Ana Hospital

Idinadaos ang SECOND DOSE vaccination sa nasabing mga ospital para sa mga nabakunahan noong October 25.

Paalala lang po sa mga companion ng ating mga minors: Only 1 companion per vaccine recipient lang po ang papayagan. Magdala lamang po ng valid ID na nagpapakita ng relasyon sa bata. Dapat po ay immediate relative kayo ng babakunahan.

Panatilihin rin po natin sa lahat ng oras ang minimum health protocols gaya ng tamang pagsusuot ng face mask.