TINGNAN: Nagaganap ang isang blood letting activity sa Manila City Hall sa pangunguna ng Ospital ng Maynila Medical Center ngayong araw ng Huwebes, ika-28 ng Oktubre.

Ayon sa ospital, bukas ang nasabing aktibidad para sa lahat edad 18-60 pamula 8am hanggang 3pm.

Para sa mga nagnanais na magdonate ng kanilang dugo, narito po ang mga requirements:

  1. May sapat na tulog
  2. Hindi nakainom
  3. Hindi naninigarilyo

Magkakaroon rin ng interview at screening bago ang aktwal na pagkuha ng dugo.

Pumunta lamang sa Bulwagang Katipunan na matatagpuan sa 2nd floor ng Manila City Hall para sa blood letting activity.

(Mga kuha ni K R De Asis/MPIO)