Pumirma ng isang Twinning Agreement ang mga Alkalde ng Maynila at Silay, Negros Occidental noong ika-15 ng Setyembre sa Tanggapan ng Punong Lungsod, Manila City Hall bilang bahagi ng pagpapayaman at pagpapaigting ng relasyon ng dalawang lungsod.

Sinalubong ni Mayor Maria Sheilah ‘Honey’ Lacuna-Pangan at mga empleyado ng Manila City Hall sa pangunguna ng Manila Band ang mga kinatawan ng Silay, Negros Occidental kasama ang kanilang Punong Lungsod na si Joedith C. Gallego kung saan sila’y iniikot sa loob ng gusali ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

Layunin ng kasunduang ito ang pagtulong at pakikiisa ng mga nasabing lungsod sa pagpapayaman ng kani-kanilang mga larangan ng science at technology, education, sports, environmental protection, public health, tourism, culture at impormasyon patungkol sa government administration at community development.

(Mga kuha ni K R De Asis/MPIO)