TINGNAN: Ngayong gabi, matapos maranasan ang malakas na pag ulan na nagdulot ng pagbaha sa ilang mga lugar sa ating lungsod, ang kawani ng Manila DRRMO ay agarang nagsagawa ng “OPLAN LIBRENG SAKAY” sa pangunguna ng ating Operations Section, para sa mga kababayan nating na stranded dahil sa naranasang epekto ng Thunderstorm.

Ito ay alinsunod sa direktiba ng ating butihing punong lungsod Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan na mabigyan ng ligtas na transportasyon ang mga pasahero sa kabila ng malakas na mga pag-ulan at pagbaha.

(Ulat: MDRRMO)