TINGNAN: Magsasagawa ng booster shot night vaccination ang pamahalaang lungsod ng Maynila para sa mga mag-gugulay, magkakarne, mag-iisda, driver, pahinante, at kargador sa Divisoria.

Mangyayari ang bakunahan sa mga nasabing indibidwal bukas, ika-5 ng Enero, sa Juan Luna corner Recto sa ganap na alas-8 ng gabi.