TINGNAN: Ginunita ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang ika-158 kaarawan ni Gat Andres Bonifacio ngayong Martes, Nobyembre 30.

Pinangunahan ni Punong Lungsod Isko Moreno Domagoso ang pag-aalay ng bulaklak sa Liwasang Bonifacio.

Kasama rin si Pangalawang Punong Lungsod Doktora Honey Lacuna, Yul Servo Nieto na siyang Kongresista ng ikatlong distrito, at iba pang mga halal ng bayan sa nasabing okasyon.

“Mahalin natin ang ating bansa. Walang magmamahal dito ng tunay, ng lubos, kung hindi tayo ring mga kapwa Filipino,” ani Domagoso.

“We must come together as one nation. Pilipino ang umaagos na dugo sa bawat ugat natin, wala ng iba,” dagdag niya.

(Mga kuha ni K R De Asis/MPIO)