PAGMASDAN: Ito po ang Manila Bay at Baseco Beach ngayong araw, malinis na at maaliwalas.

Araw-araw pong ginagampanan ng DPS Team Mandaragat at DPS Baseco Beach Warriors ang kanilang tungkulin na linisin at hakutin ang mga basura kaakibat ng ating adhikain tungo sa malinis, maayos at maaliwalas na dalampasigan at baybayin.

Para sa bawat Batang Maynila, hindi po tayo mapapagod at magsasawa.

(Ulat mula sa DPS)