TINGNAN: Dinaluhan ni Manila City Vice Mayor Doktora Honey Lacuna ang Guhit, Pinta, Laro: On-the-spot painting contest ngayong Biyernes, ika-22 ng Oktubre.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Department of Tourism, Culture, and Arts of Manila at ng Angkla Art Gallery.

“Mahalaga po na patuloy nating pagtibayin at palakasin ang lahat ng likhang sining dito sa Lungsod ng Maynila dahil ito po ay pagsasalarawan ng mga damdaming nangungusap, nagkukuwento at may mensaheng nais ipahayag,” ani Lacuna.