TINGNAN: Umaga pa lamang ay nagtungo na ang pwersa ng DEPW Distrito Singko at ilan sa mga empleyado ng KASAMA Program upang linisin ang kahabaan ng San Marcelino patungong Ayala Blvd. at A. Villegas St. sa Ermita, Manila.

Bukod dito ay inalis din ng ilan sa mga tauhan ng distrito Singko ang lumang electrical post pedestal sa San Marcelino malapit sa Ayala Blvd. upang maiwasan na makatisod at makapagdulot pa ng aksidente.

(Ulat: DEPW)