TIGNAN: Tuloy-tuloy parin po ang COVID -19 mass vaccination sa Lungsod ng Maynila para sa mga indibidwal na kabilang sa A1, A2, A3, A4, at A5 categories at maging ang general population ng ating minors, ngayong araw ng Miyerkules ika-16 ng Pebrero 2022.

Kung sino man po ang hindi pa na babakunahan ay maari parin po kayong pumunta sa pinakamalapit na vaccination sites sa inyong lugar.Para sa lahat ng magpapabakuna, ipakita lamang ang inyong naka printed waiver form o QR code para sa verification.

Dalhin din ang inyong ID at huwag kalimutan ang pagsunod sa ating minimum health protocols pagdating sa ating vaccination sites.

(Ulat: MDRRMO)