Ang Lungsod ng Maynila, sa pangunguna ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, kasama ang Coca-Cola Philippines ay inilulunsad ang “Tapon to Ipon Project of City of Manila” noong ika-7 ng Hunyo, 2021.

Ang programang ito ay naglalayon na kolektahin at iresiklo ang mga PET bottles upang maging food grade recycled PET resin (the “Kartilya Project”). Anim (6) na piraso ng PET collection bins ang ibinahagi ng Coca-Cola na inilagay at makikita sa Kartilya ng Katipunan Park.

Isa rin sa layon ng proyekto na ito ay ang magbigay nang kaalaman patungkol sa kahalagahan ng pag reresiklo at pagkakaroon ng malinis na kapaligiran.

Humigit kumulang 46.7-kilogram na PET Bottles mula sa anim na PET Collection Bins ang nakolekta sa ika-anim na koleksyon ng programa kahapon, ika-18 ng Nobyembre.

(Ulat mula sa: DPS)