SILIPIN: Hindi pa tuluyang sumisikat ang haring araw ay nagsasagawa na po ng kanilang daily clean-up activity ang DPS Power Sweeper sa ganap na alas-4:30 ngayong Huwebes, ika-3 ng Marso.

Naglilinis na po sila sa kahabaan ng Ylaya, Binondo side kung saan namimili at dumadaan ang ating mga kababayan.

Mga mamamayan ng lungsod, huwag po natin kung saan saan itapon ang mga basura na ating pinaggamitan, ito’y itapon po natin sa tamang sisidlan upang may magadang maidulot sa ating kapaligiran.

(Ulat: DPS)