PAGSUONG SA HAMON NG PANIBAGONG BUKAS!

Bilang pagdiriwang sa ika-124 taong Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas, pinangunahan po ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kasama ang inyong lingkod bilang kinatawan ng ating Punong Lungsod Isko Moreno Domagoso, ang pagtataas ng Watawat ng Pilipinas at pag-aalay ng bulaklak sa Pambansang Bantayog ni Jose Rizal sa Liwasang Rizal ngayong araw, ika-12 ng Hunyo 2022.

Maraming salamat po sa ating Pangulo at sa National Historical Commission of the Philippines sa kanilang imbitasyon sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila at sa ating Punong Lungsod sa pagkakataong kumatawan bilang panauhin sa pagdiriwang na ito.

Maligayang Araw ng Kalayaan po sa ating lahat!

-Vice Mayor Honey Lacuna