TINGNAN: Kasunod ng magnitude 7.3 na lindol sa probinsiya ng Abra na siya ring naramdaman sa Lungsod, mahigpit nating minomonitor ang sitwasyon sa siyudad sa pamamagitan ng ating Emergency Operations Center (EOC).

Lahat ng datos hinggil sa nasabing lindol ay iniipon ng ating EOC upang magkaroon ng paunang ideya sa kung ano ang kasalukuyang kalagayan ng siyudad at mga mamamayan nito.

Samantala, kasama ang Department of Engineering and Public Works (DEPW) tayo ay nagsasagawa ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) sa loob ng Manila City Hall. Ito ay upang matiyak na ligtas ang building matapos ang intensity 4 sa siyudad.