“Mga minamahal kong Batang Maynila, tuloy-tuloy po ang ating pagpapatayo ng makabagong 10 storey Dr. Albert Elementary School sa kabila ng ating kinakaharap na pandemya.”

“Ang nasabing eskwelahan po ay parte ng ating plano upang palakasin pa ang educational sector dito sa Lungsod ng Maynila at para ma achieve natin ang ating inaasam na tamang ratio ng mga guro at estudyante.”

“Umasa po kayo na hindi po tayo titigil sa ating mga hakbang para ma-address ang pangangailangan ng bawat isa sa atin.”

-FRANCISCO ISKO MORENO DOMAGOSO
Mayor, City of Manila