MANILA ENTREPINOY: Bilang bahagi ng programang Manila Support Local ng pamahalaang lungsod, kasalukuyang nagaganap ang isang mini bazaar sa Hidden Garden.

Tinatayang nasa 10 stalls ang lumalahok sa bazaar na siyang bahagi ng programa ng Bureau of Permits at Local Economic Development and Investment Promotions Office (LEDIPO) para sa mga retailers.

Bukas sa publiko ang bazaar pamula alas-4 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi, simula ngayong gabi hanggang sa ika-30 ng Nobyembre.

Ang Hidden Garden ay matatagpuan sa tapat ng Manila Central Post Office. #ManilaSupportLocal