Nag-abot tayo ng tulong medikal sa mga Manilenyong nangangailangan ng check-up sa kanilang mga mata upang mabigyan sila ng bagong salamin at nangangailangan ng operasyon upang matanggal ang katarata sa kanilang mata na naganap sa Brgy. 333 Sta. Cruz, Manila ika-30 ng Agosto, 2022.

Taos pusong pasasalamat sa Fight for Sight Optical Clinic sa pangunguna ni Dr. Frederico Lumangaya at Manila Eye & Surgical Center, Inc. sa pangunguna ni Dr. Emmanuel Abesamis sa pag-unlak sa ating mga benepisyaryo. Hangad namin matugunan ang problemang medikal sa mata upang mapalinaw ang inyong mga paningin.

Ikinagagalak naming maglingkod para malagpasan ang inyong mga pagsubok pangkalusugan. 91 na mga benepisyaryo ang ating napaglingkuran. Mag-iingat po tayong lahat!