Kasabay ng muling pag-usad ng Maynila ang pangangailangan ng isang pasyalan na kung saan maaaring makipagniig sa kalikasan ang sinumang nagnanais na sandaling iwanan ang ingay ng nagmamadaling mundo.

Ito ang Arroceros Forest Park.

Tinangka nooon na ibenta at tayuan ng isang gusaling pangkomersiyo ang tinaguriang “Manila’s Last Lung”. Kaya noong tayo ay maupo bilang alkalde, nagpasa po ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila ng ordinansa na nagdedeklara na gawin itong permanenteng forest park.

Isa lamang ito sa mga proyekto ng lungsod upang pangalagaan at dagdagan ang green spaces. Ang disenyo nito ay itinulad sa Central Park sa New York.

-Mayor FRANCISCO ISKO MORENO DOMAGOSO
City of Manila