Ginugunita po natin ngayong araw ang Ika-123 Taong Anibersaryo ng Pagsiklab ng Digmaang Pilipino-Amerikano.

Kasabay po nito ay tinanggap ang panandang pangkasaysayan na siya pong magpapaalala sa atin at sa mga susunod pang mga henerasyon ang kahalagahan ng lugar na ito kung saan sumiklab ang labanan sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano.

Umasa po kayo na patuloy po nating bibigyan ng kahalagahan at lilingunin ang kasaysayan nitong ating minamahal na Lungsod ng Maynila.

(News: FBDoktoraHoneyLacuna)