Patuloy na sisnikap ng mga kasamahan natin sa Department of Engineering and Public Works na maibsan ang suliranin sa baha ng ating pamahalaang lungsod sa tuwing bubuhos ang malakas na ulan.

Kaugnay nito ay muling nagsagawa ng paglilinis at pagtatanggal ng bara sa mga daluyan ng kanal ang Highway Division III sa kahabaan ng CM Recto Ave. pamula T. Alonzo St. patungong T. Mapua St. Barangay 305 Zone at sa paligid ng Bambang St. cor. Rizal Ave. sa Barangay 321 Zone 31 sa Sta. Cruz, gayundin ang Highway Division IV naman ay sa kahabaan ng Alcantara St. at G. Tuazon St. mula F. Cayco St. hanggang AH Lacson Ave. sa Sampaloc habang ang Flood Control Division III naman ay sa Beaterio St. Barangay 657 Zone 70 sa Intramuros at maging sa kahabaan ng P. Ocampo St. cor. del Pilar St. at Espiritu St. na nasasakupan ng Barangay 759 at 760 sa San Andres Bukid, Manila.

(Ulat mula sa: DEPW)