SILIPIN: Tuloy-tuloy lang ang paglilinis sa Kamaynilaan ng ating mga kawani sa DPS Quick Response Team (QRT) ngayong Miyerkules, ika-6 ng Oktubre.

Hinakot po nila ang iba’t ibang uri basura, sirang kahoy at mga debris na nakikita sa kahabaan ng Mel Lopez Blvd., Moriones St., Masinop St., Patcheco St., Quezon St., Plaza Luiz, Binondo, Juan Luna St. Recto Ave., Soler St. at Reina Regente St.

Maaari kasing maging sanhi ng aksidente kapag may mga sagabal sa daan. Hangad po natin na mailayo ang lahat sa sakuna.

Muli po kaming nagpapaalala na itapon po natin sa tamang paraan ang mga basura. Huwag rin po nating kalimutan na bawat isa sa atin ay may responsibilidad na panatilihing maayos ang Maynila.

(Ulat mula sa DPS)