TINGNAN: Ngayong araw ng Setyembre 30, 2021 1st Dose at 2nd Dose (September 9, 2021 Pfizer) Drive Thru Vaccination sa Quirino Grandstand.

PAALALA lamang po ang mga pwede lang pumunta para mag pa 2nd Dose ay yung nag pa 1st Dose lang sa Quirino Grandstand, at hindi po kami tumatanggap pag sa iba po kayong lugar nag pa 1st Dose.

At sa mga mag papabakuna ng 2nd Dose (Pfizer) ay pumunta na sa venue, at kung sakali naman po ay hindi kayo makapunta sa takdang araw para sa inyong 2nd Dose ay pupwede po kayo pumunta sa ibang araw na lamang po.

Bawal po ang walk-in dito at ang mga nakamotor. Tanging mga nakasakay lang muna sa apat na gulong ang pinapayagan natin dito.

Ang mga babakunahan lamang ay ang mga taong nakapagpareserba sa website na www.manilacovid19vaccine.ph. Limitado po ang slots dito.

(Ulat mula sa MDRRMO)