TINGNAN: Nagpunta ang Kadiwa Rolling Store sa Barangay 338 Zone 34 at Barangay 330 Zone 33 sa District 5 kahapon, ika-31 ng Agosto.

Simula Abril 2020 ay umiikot ang Kadiwa Rolling Store dala-dala ang mga murang bilihin para sa mga Batang Maynila.

Katuwang ng Lungsod ng Maynila ang Department of Agriculture, Teresita’s Fruits and Vegetables, Tinapayan Festival, Dagupan Boneless Bangus, Food Crafters Frozen Products, Taste Buds at Puregold para sa programang ito na patuloy na sinusuyod ang mga barangay sa Maynila upang makapagdala ng mga pangunahing bilihin sa kani-kanilang mga tahanan.