TINGNAN: Nagpapatuloy ngayong araw ng Miyerkules, ika-1 ng Setyembre, ang malawakang pagbabakuna kontra COVID-19 sa Lungsod ng Maynila.

MAHALAGANG PAALALA po para sa lahat, PUWEDE NA PO ANG WALK-IN VACCINATION sa mga sumusunod na bakunahan sa lungsod:

Isinasagawa po ang FIRST DOSE na pagbabakuna para sa mga kabilang sa A1, A2, A3, A4, at A5 priority groups sa 45 health centers ng lungsod mula District 1 hanggang District 6 (1,500 doses kada site), at sa 4 na mall sites (1,000 doses kada site).

Gayunman, HINDI PA RIN PUWEDE ANG WALK-IN sa mga sumusunod na bakunahan:

Makatatanggap po ng kanilang SECOND DOSE ng bakunang PFIZER ang mga kabilang sa A1, A2, A3, A4, at A5 priority groups na una nang sumailalim sa drive-thru vaccination sa Manila Grandstand noong Agosto 11, 2021.

Idaraos din ang SECOND DOSE vaccination ng PFIZER para sa mga kabilang sa A1, A2, A3, A4, at A5 priority groups na una nang nabakunahan noong Agosto 11, 2021 sa 10 school sites.

Ang mga nabakunahan naman ng PFIZER noong Agosto 11, 2021 sa Francisco Benitez Elementary School ay makatatanggap ng kanilang SECOND DOSE sa F. G. Calderon High School.

Para sa mga tatanggap ng kanilang second dose, hintayin ang text message mula sa Manila Covax ukol sa inyong iskedyul at lugar ng bakunahan.

ILANG MGA PAGLILINAW PARA SA MGA TATANGGAP NG KANILANG SECOND DOSE:

  1. Pwede bang pumunta sa ibang bakunahan na hindi nakalagay sa inyong stub?
  • Hindi po. Kung ano po ang nakalagay sa inyong stub ay doon lamang ang inyong lugar ng bakunahan. Ito’y para maiwasan ang siksikan sa ating mga vaccination site.
  1. Kahit anong oras ba ay puwede pumunta sa lugar ng bakunahan?
  • Hindi po. ISTRIKTO po nating susundin ang iskedyul na itinakda para sa inyo upang maiwasan ang siksikan NGUNIT maaari po kayong pumunta sa ibang oras kung naharap sa isang emergency situation.
  1. Paano kung hindi kayo puwede sa araw ng bakunahan, puwede ba kayong magpabakuna sa susunod na araw?
  • Depende po ito kung makapagtatakda ng panibagong iskedyul ang Manila Health Department.

Sikaping makapunta sa tama ninyong iskedyul sapagkat kada barangay po ay sinisinsin nang maigi ang listahan ng mga magpapabakuna kada araw.

Para po sa lahat ng magpapabakuna, ipakita lamang po ang inyong naka print na waiver form o QR code para sa pagpapatunay.

Dalhin din po ang inyong ID at huwag kalimutan ang pagsunod sa health protocols pagdating sa lugar ng bakunahan.