TINGNAN: Nagpapatuloy ngayong araw, ika-15 ng Setyembre, ang malawakang pagbabakuna kontra COVID-19 sa Lungsod ng Maynila.

MAHALAGANG PAALALA po para sa lahat, PUWEDE PO ANG WALK-IN VACCINATION sa mga sumusunod na bakunahan:

Isinasagawa po ang FIRST DOSE na pagbabakuna para sa mga kabilang sa A1, A2, A3, A4, at A5 priority groups sa apatnapu’t limang (45) health centers ng lungsod mula District 1 hanggang District 6 (300 doses kada site) at sa apat (4) na mall sites (1,000 doses kada site).

Gayunman, HINDI PA RIN PUWEDE ANG WALK-IN sa bakunahang ito:

Makatatanggap po ng kanilang SECOND DOSE ng bakunang PFIZER ang mga kabilang sa A1, A2, A3, A4, at A5 priority groups na una nang sumailalim sa drive-thru vaccination sa Manila Grandstand noong Agosto 25, 2021.

LAST CALL po para sa SECOND DOSE vaccination ng mga kabilang sa A1, A2, A3, at A5 priority groups na una nang nabakunahan ng SINOVAC noong March 3 hanggang August 16, 2021. Idaraos po ang inyong pagbabakuna sa anim (6) na school sites.

LAST CALL din po para sa SECOND DOSE vaccination ng mga kabilang sa A1, A2, A3, at A5 priority groups na nakatanggap ng MODERNA mula July 1 hanggang August 13, 2021. Isasagawa po ang inyong pagbabakuna sa San Andres Sports Complex.

Para sa mga tatanggap ng kanilang second dose, hintayin ang text message mula sa Manila Covax ukol sa inyong iskedyul at lugar ng bakunahan.

Ipakita lamang po ang inyong naka print na waiver form o QR code para sa pagpapatunay.

Dalhin din po ang inyong ID at huwag kalimutan ang pagsunod sa health protocols pagdating sa lugar ng bakunahan.