PAGMASDAN: Nagsagawa ang Lungsod ng Maynila sa pangunguna ng Department of Public Services ng sabayang Citywide Clean-up activity ngayong araw, ika-18 ng Setyembre sa Baywalk, Roxas Boulevard, Baseco Beach, at iba’t-ibang estero at katubigan na matatagpuan sa anim na Distrito ng Kalakhang Maynila.

Humigit kumulang 62 tonelada ng basura ang nahakot ng mga kawani ng DPS mula sa nabanggit na clean up activity.

Patuloy lamang po ang bayanihan para sa malinis na kapaligiran at katubigan sa Lungsod ng Maynila sa pangunguna ng ating Mahal na Alkalde Francisco “Isko Moreno” Domagoso at DPS Director Kenneth G. Amurao.

(Ulat mula sa DPS)