Para mapanatili ang kalinisan ng mga daluyan ng kanal at maibsan ang mabilisang pagbaha sa tuwing bubuhos ang malakas na ulan aymuling sinuyod ng mga kawani ng Department of Engineering and Public Works sa bawat sulok ng ka-Maynilaan para magsagawa ng declogging operations.

Kaugnay niyan ay tinungo ngayong araw ng Highway Division IV ang kahabaan ng Galicia St. pamula España Blvd. to La Paz St. at maging ang kahabaan ng San Anton St. mula Earnshaw to Dalupan St. sa Sampaloc habang ang Highway Division III naman ay sa paligid ng Valderama St. sa San Nicolas, Manila.

(Ulat mula sa DEPW)