Buong pwersa ng Department of Engineering and Public Works – Highway Division ang nagsasama ngayong araw para isaayos at patagin ang mga lubak na daan sa lungsod ng Maynila.

Kaugnay nito, nagsagawa ng asphalting operations ang Highway Division IV sa kahabaan ng Matimyas St. pamula Kundiman St. hanggang Sobriedad St. Brgy. 554, maging sa paligid ng G. Tuazon, Honradez, at J. Fajardo mula Antipolo patungong Algeciras Sts. at sa R. Magsaysay Blvd. service road hanggang Paltoc St. (PNR crossing) sa Sampaloc habang ang Highway Division III naman ay sa F. Huertas St. cor. Tayuman St. Brgy. 344 at sa paligid ng S. Reyes St. at T. Mapua Barangay 354 Zone 36 sa Sta. Cruz, Manila.

(Ulat mula sa DEPW)