TINGNAN: Ang DPS Power Washer Team at DPS District 3 Sweepers ay nagsanib-pwersa para sa cleaning at disinfection operations sa Plaza Miranda ngayong Huwebes, Setyembre 2.

Matapos walisin ang kalat sa plaza, pinaliguan ang bawat sulok nito ng tubig na may halong disinfectant.

Magpapatuloy ang cleaning at disinfection operations ng DPS sa iba pang lugar sa Maynila sa araw na ito.