SILIPIN: Tuloy-tuloy po ang ating pakikiisa sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang panatilihing malinis at maayos ang Maynila.

Katuwang ng mga kawani ng Department of Public Services (DPS) District II ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa paghahakot ng basura mula sa Vitas Pumping Station. Nakahakot po tayo ng humigit-kumulang 6 na tonelada ng basura ngayong araw.

Layunin po nating panatilihing malinis, maaliwalas at maayos ang mga kalye o kalsada man na ating nasasakupan sa Kalakhang Maynila.

Ito ay alinsunod sa programa na “Linis ko Maynila” ng ating butihing Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso thru DPS Director Kenneth G. Amurao.

(Ulat mula sa DPS)