Ang buwan ng Setyembre ay “Buwan ng Turismo” ngunit patuloy tayong humaharap sa kung ano-anong klasipakasyon at limitasyon na nagpapahirap sa atin para gumawa ng isang proyekto.

Kung kaya’t ngayong araw, ating nilinis ang Liwasang Bonifacio at Kartilya ng Katipunan para kahit paano ay ating maipagdiwang ang buwan ng turismo.

Atin pong katuwang sa paglilinis ang Department of Public Services-Manila, Steriplus, Manila Disaster Risk Reduction Management Office, Manila Fire Arroceros Station, Manila Fire Paco Station, Barangay 659-A.

Maraming salamat po sa pakikiisa sa ating gawain.

Mabuhay po tayong lahat!

Welcome po kayo sa Manila!

(Ulat mula sa DTCAM)