Magandang umaga, mga Batang Maynila!

Nagsagawa ng flushing operation ang mga kawani ng MDRRMO sa paligid ng Recto at Divisoria bandang 7:12 a.m. ngayong Miyerkules, September 15.

Pinaliguan nila ang mga kalye para matanggal ang nanunuot na dumi.

Araw-araw na ginagawa ang flushing operations para linisin ang kapaligiran ng Maynila, lalo na ang mga lugar na dinarayo ng maraming tao.

Bukod sa paglinis sa mga kalye, inaasahang nakakatulong rin ang paglilinis na ito para pigilan ang pagkalat ng iba’t ibang sakit sa ating lungsod.

Maraming salamat sa inyo, mga taga-MDRRMO, sa pagtitiyaga n’yo sa tungkuling ito! – Mayor Isko Moreno