TINGNAN: Tuloy-tuloy po ang 24/7 na pagbabakuna ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa gitna ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine.

Hindi pahihintulutan ang mga walk-in na mabakunahan at istriktong ipinatutupad ang scheduling system sa bawat site.

Ayon kay Punong Lungsod Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, layunin nitong mabigyan ng karagdagang proteksyon laban sa COVID-19 ang mas marami pang mga Batang Maynila lalo na’t tumataas ang kaso ng Delta variant sa bansa.

Nauna rito ay nagpatawag ang lokal na pamahalaan sa mga nais mag-boluntaryong doktor, nars, medical technologist, at iba pang mga propesyunal ng allied health programs na tumulong sa pangangasiwa ng vaccination sites sa lungsod.

Samantala, tiniyak naman ng Alkalde na magpapatuloy ang iba pang vaccination efforts ng lokal na pamahalaan gaya ng drive-thru vaccination nito sa Quirino Grandstand.