TINGNAN: Tuloy-tuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa pamamahagi ng cash ayuda mula sa pambansang pamahalaan na inilaan para sa mga pamilyang Manilenyo na apektado ng implementasyon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso, hangad niya na miabigay agad ang naturang ayuda lalo na’t maraming nawalan ng kabuhayan sa gitna ng ECQ.

Naka-iskedyul naman ang payout sa bawat barangay sa lungsod upang maiwasan ang siksikan at mahahabang pila.