TINGNAN: Tuloy-tuloy ang drive-thru vaccination sa Lungsod ng Maynila sa Quirino Grandstand.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, layunin nitong matiyak na nasa maayos na kalagayan ang mga magpapabakuna sa siyudad lalo na sa oras ng matinding pag-ulan at pagbaha.

Kasabay nito, isinasagawa pa rin ang libreng drive-thru swab testing sa Maynila na inilunsad ng Pamahaalang Lungsod mula pa noong nakaraang taon.

(Mga kuha ni K R De Asis / MPIO)