TINGNAN: Tuloy-tuloy ang drive-thru vaccination sa Lungsod ng Maynila sa Quirino Grandstand.

Tumanggap na ng kanilang second dose ng bakuna ngayong araw, ika-21 ng Agosto ang mga indibidwal na unang sumailalim sa drive-thru vaccination noong ika-31 ng Hulyo.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, layunin nitong matiyak na nasa maayos na kalagayan ang mga magpapabakuna sa siyudad lalo na sa oras ng matinding pag-ulan at pagbaha.

(Mga kuha ni K R De Asis / MPIO)