TINGNAN: Tuloy-tuloy ang drive-thru vaccination ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa Quirino Grandstand.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, layunin nitong matiyak na nasa maayos na kalagayan ang mga magpapabakuna sa siyudad lalo na sa oras ng matinding pag-ulan at pagbaha.

Tumanggap naman ng kanilang second dose ng bakuna ngayong araw ang mga indibidwal na sumailalim sa drive-thru vaccination noong ika-9 ng Agosto.

Samantala, PUNO na ang slots para sa nasabing bakunahan hanggang ika-5 ng Setyembre.

Antabayanan lamang ang anunsyo mula sa Pamahalaang Lungsod hinggil sa pagbubukas ng slots.