TINGNAN: Pinangunahan ni Punong Lungsod Isko Moreno Domagoso ang pagpapailaw sa intersection ng Carriedo station hanggang sa Ronquillo Street para sa isang mas maliwanag at ligtas na Maynila.

Kasama ni Domagoso sa nasabing pagpapailaw sina Engr. Armand Andres, Engr. Randy Sadac, at Arch. Ely Balmoris. Dinaluhan rin ito ng iba pang direktor ng pamahalaan kagaya ni Direktor Levi Facundo at Direktor Dennis Viaje.

(Mga kuha ni Christian Turingan/MPIO)