TINGNAN: Pinangunahan ni Punong Lungsod Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang pagsisimula ng pagtatayo ng ika-apat na pampublikong pabahay ng Lungsod ng Maynila.

Ayon kay Domagoso, nagsilbing pagsasatupad ng pangako ng Pamahalaang Lungsod ang naganap na paghuhulog ng panulukang bato (groundbreaking ceremony) para sa pagtatatag ng San Lazaro Residences.

“Habang kinakaharap natin pare-pareho ang pandemya, yung pangarap nating sa Lungosd ng Maynila at pangarap natin para sa mga taga-Maynila, kailangan matuloy.

Ngayong araw na ito, ilang buwan smula ngayon, 382 families ang magbabago ang buhay,” ani Domagoso.

“Disenteng masisilungan, mauuwian, maibabalik natin ang dignidad ng pamiyang manilenyo hanggat kaya natin hindi tayo titigil. Who would thought na pwede pala, kaya pala. So pagtayo nagtulng tulong at nagsama sama, nakaisa, may tutunguhan pala ang bangka natin,” dagdag niya.

(Mga kuha ni Christian Turingan/MPIO)