TINGNAN: Pinangunahan ni Ospital ng Sampaloc (OSSAM) Director Dr. Aileen Lacsamana ang pagbubukas sa mas pinaayos na 10-room COVID-19 ward nitong may kapasidad na tumugon sa pangangailangan ng isang pasyenteng sumasailim sa Intensive Care.

Ang pasilidad ay mayroong mga makabagong kagamitan gaya ng mechanical beds, negative pressure ventilation, high flow oxygen machines, portable X-ray machines, ultrasound with 2D-echo capabilities, at marami pang iba.

Bukod dito, itinayo rin sa OSSAM ang isang critical resuscitation area na bahagi ng mas pinalawak na Emergency Room nito para sa mga pasyenteng positibo sa COVID-19.

(Mga kuha ni Christian Turingan / MPIO)