Mga Batang Maynila!

Narito po ang datos ng pagbabakuna sa ating lungsod hanggang ngayong araw, Agosto 1 (sa ganap na ika-8 ng gabi). Pumalo na po sa 1,368,389 vaccine doses ang naiturok na sa ating mga kababayan sa pangunguna Kagawaran ng Kalusugan ng Maynila.

Umabot naman sa ng 39,354 doses ng bakunang na-deploy ngayong araw ng Linggo habang nasa 99.29% naman po sa mga nakatakdang mabigyan ng ikalawang dose ang tumanggap nito.

Sama-sama tayo tungo sa tuluyang pagsugpo sa COVID-19! Maraming salamat po sa inyong pakikiisa sa layunin ng Pamahalaang Lungsod na mabakunahan ang mas marami pang mga Manilenyo. 🙏🏼

Manila, God first! ☝️ —Mayor Isko Moreno Domagoso