TINGNAN: Nagsagawa ng sweeping operation mga kawani ng DPS District 3 ngayong Miyerkules, Agosto 25.

Natapos na nilang walisin ang kahabaan ng Jones Bridge, Quintin Paredes Road, Escolta Street, Yuchengco Street, San Vicente Street, Dasmariñas Street, at Juan Luna Street.

Nilinis rin nila ang paligid ng 1919 Grand Cafe, Muelle de Binondo, at Pasig River Ferry Service Station. Ilan lang ito sa mga lugar na nakatakdang walisin ng mga taga-DPS sa araw na ito.