TINGNAN: Nagsagawa ng inspeksyon si Manila City ‪Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso noong ika-11 ng Agosto sa itinatayong bagong Ospital ng Maynila Medical Center.

Ang 10-storey na gusaling ito ay may lawak na 29,951 square meters at 384 bed capacity. Mayroon din itong 12 ICU units, 20 private rooms, three-storey parking building, at helipad.

Ayon sa Alkalde, bahagi ito ng tuloy-tuloy na pagpapaunlad ng Pamahalaang Lungsod sa medical facilities nito nang sa gayon ay mabigyan ng mas dekalidad na serbisyong medikal ang mga Batang Maynila.

(Photos by K R De Asis / MPIO)